Shabu inilagay sa burger: Magpinsan arestado
September 26, 2003 | 12:00am
Hindi nakalusot ang magpinsan na drug pusher kahit na ipinalaman ng mga ito ang isang pakete ng shabu sa hamburger matapos na maaresto sila sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang mga suspect na sina Joel Tomaquin, 35, ng Baseco Compound, Port Area Manila at Herman Tomaquin, 29, ng Quezon City.
Nasakote ang mga suspect sa isang foodchain sa Gen. Luna St. Intramuros, Manila.
Isang asset ng pulis ang nakipagkasundo sa mga suspect sa pagbili ng shabu kung saan itinakda ang bentahan sa naturang fastfood para umano hindi halata ng mga awtoridad.
Pasimpleng iniabot ng isa sa mga suspect ang hamburger sa asset na tinanggalan pa ng palaman at saka iniligay sa loob ng tinapay ang isang pakete ng shabu.
Agad na dinakma ng mga awtoridad ang dalawang suspect nang tanggapin na ng mga ito ang marked money buhat sa asset ng police. (Ulat ni Danilo Garcia)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended