Houseboy tugis sa pagpaslang sa mag-asawang Tsinoy
September 26, 2003 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang houseboy na sinasabing responsable sa umanoy pagpatay sa amo nito na mag-asawang Intsik kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Si Francisco Acasio, stay-in houseboy ay pinaghahanap ngayon ng pulisya matapos na matagpuan dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ang magkahiwalay na nabubulok na bangkay ng mag-asawang sina Tomas, 77; at Natividad Sy, 68, sa loob ng kanilang bahay sa #85 Doña Justina St., Fil-Invest 2 Batasan Hills.
Ayon sa ulat ni PO1 Joseph Dino ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), natagpuan umano ang bangkay ng lalaki sa loob ng kuwarto na may saksak sa mukha at mga palo sa ulo habang si Natividad naman ay nasa kusina na nagtamo ng mga pinsala sa ulo.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na ginamitan ng matigas na bagay ang mag-asawa. Hinihinala ng pulisya na maaaring tatlong araw nang patay ang mga biktima dahil sa nasa state of decomposition na ang mga ito.
Natagpuan din sa pader ang pangalang Franco na sinasabing isinulat ni Tomas gamit ang marker bago ito tuluyang binawian ng buhay. Ayon pa sa pulisya, posibleng pagnanakaw ang motibo ng pagpaslang.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya habang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang itinuturong suspect upang magbigay-linaw sa kaso. (Ulat ni Doris M. Franche)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended