37 sasakyan na-flat sa EDSA
September 26, 2003 | 12:00am
Nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA makaraang 37 sasakyan ang pawang na-flat ang mga gulong dahil sa sinadyang ikalat na mga spikes dito, kahapon ng umaga.
Inaalam pa ng pulisya kung maghahasik ng kaguluhan o maglulunsad na naman ng panibagong panghoholdap ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo na sinasabing nakitang nagkakalat ng mga spikes sa kahabaan ng EDSA.
Sinabi ng Metro Manila Development Authority na aabot sa 37 sasakyan ang pawang na-flat ang mga gulong kung saan pinagmulan ng matinding trapik na nagmula buhat sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City hanggang sa Sen. Gil Puyat Avenue sa Makati City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga kahapon ng isagawa ng mga suspect ang pagpapakalat ng mga spikes na siyang tumusok sa mga gulong ng mga sasakyan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended