^

Metro

300 sako sangkap sa paggawa ng bomba,nasabat

-
Umaabot sa 300 sako ng ammonium nitrate ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nasabat na container van, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Maynila.

Sa sketchy report, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PNP Philippine Maritime Group sa koordinasyon sa Western Police District (WPD).

Isang impormasyon ang natanggap ng PMG ukol sa pagbibiyahe ng isang cargo truck buhat sa North Harbor na naglalaman ng mga sangkap sa bomba.

Nagsagawa ng checkpoint ang pulisya sa may Marcos Road, Pier 2 kung saan nasabat ang isang trak na may kargang 10-foot cargo van.

Nang buksan ito, nadiskubre ang laman nitong 300 sako ng ammonium nitrate na isa sa sangkap sa paggawa ng pampasabog o bomba. Karaniwan din itong ginagawang pataba sa lupa.

Wala namang maipakitang dokumento ang nasakoteng driver at mga pahinante ng trak na hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad.

Nasa pangangalaga ngayon ng PMG sa Camp Crame ang mga ebidensiya. (Ulat ni Danilo Garcia)

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

ISANG

KARANIWAN

MARCOS ROAD

MAYNILA

NORTH HARBOR

PHILIPPINE MARITIME GROUP

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->