^

Metro

Dinukot na trader pinalaya ng kidnappers

-
Pinalaya na ng kanyang mga kidnaper ang 45-anyos na Filipino-Chinese trader kamakalawa ng gabi matapos umanong magbayad ito ng sampung milyong piso sa mga suspect na pinaghihinalaang mga miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate.

Base sa impormasyon, si William Uy, may-ari ng Kaunlaran Construction Supply sa Lapu-Lapu St., Brgy. Longos, Malabon City, kung saan dito rin siya dinukot ng walong armadong kalalakihan noong nakaraang linggo ay napag-alamang inabandona ng kanyang mga kidnaper sa Parañaque City matapos magbigay ng naturang halaga sa mga suspect ang kanyang pamilya.

Nabatid pa na nasa maayos na kalagayan si Uy nang pakawalan ito ng mga suspect.

Sa panayam naman ng PSN kay Malabon City Police Chief Supt. Pedro Ramos, kinukuha na rin umano mula sa kanilang pag-iingat ng pamilya ni Uy ang sasakyan nitong puting Nissan Frontier, may plakang YWU-888 na ginamit ng mga suspect bilang get-away car sa pagkidnap sa kanya.

Magugunita na narekober ng pulisya ang nasabing sasakyan sa Brgy. Madaran, GMA, Cavite, tatlong araw matapos kidnapin si Uy. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

KAUNLARAN CONSTRUCTION SUPPLY

LAPU-LAPU ST.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE CHIEF SUPT

NISSAN FRONTIER

PEDRO RAMOS

ROSE TAMAYO

WILLIAM UY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with