^

Metro

Utol ni Robin Padilla di nagbayad ng chit sa club

-
Nahaharap na naman sa panibagong asunto ang lider ng H-World at aktor na si Royette Padilla makaraan nitong takbuhan ang kanyang bayarin sa isang nightclub sa Quezon City, kamakalawa ng madaling-araw.

Pormal na nagtungo sa Kamuning Police Station-Police Community Precint 1 si Patrick Atienza, 36, Manager ng Lexus Club and Restaurant upang ireklamo si Padilla.

Ayon sa reklamo ni Atienza, dakong 12:00 ng madaling-araw ng Sept. 20 nang pumasok umano ang aktor kasama ang isa pang lalaki sa Lexus Club and Restaurant sa may #52 Timog Ave., Quezon City.

Napag-alaman na umorder umano ang aktor ng mga pulutan at inumin na nagkakahalaga ng P5,290 at nag-table pa ito ng mga babae.

Matapos ang ilang sandali ay hindi na makita ng mga waiter si Padilla at ang kasama nito, subalit kampante umano sila dahil nasa parking attendant ang susi ng sasakyan ng aktor.

Nang mainip sa kakahanap kay Padilla ay dinungaw ni Atienza ang kotse sa vallet parking at nakitang wala na rito ang kulay maroon na Honda Civic at may plakang WLE-844. Saka lamang nila napag-alaman na posibleng may duplicate key ang aktor.

Si Padilla ay nakatakdang sampahan ng kasong estafa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Magugunitang kamakailan din ay inireklamo si Padilla ng isang sikat na nightclub at hindi rin ito nagbayad ng chit. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ATIENZA

HONDA CIVIC

KAMUNING POLICE STATION-POLICE COMMUNITY PRECINT

LEXUS CLUB AND RESTAURANT

PADILLA

PATRICK ATIENZA

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

ROYETTE PADILLA

SI PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with