^

Metro

1,000 'ghost cops' tugis

-
Mahigit sa 1,000 ang bilang ng mga tinaguriang ‘ghost cops’ o mga 15-30 ang iniimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Sa ulat na isinumite sa Inspection Monitoring and Investigation Service (IMIS) sa tanggapan ni NAPOLCOM Commissioner Miguel Coronel, nadiskubre na may 1,095 officer at non-officer na humahawak ng mga sensitibo at kontrobersiyal na posisyon sa PNP ang nagrereport lamang sa kanilang duty tuwing akinse at katapusan ng buwan sa araw ng suweldo.

Natuklasan na walo sa mga ito ay nakadestino sa tanggapan ni PNP Deputy Director General Edgardo Aglipay, 159 naman sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), 98 sa Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA), 45 sa Police Anti-Crime Emergency Response (PACER), 32 sa Civil Security group at 549 sa Police Security and Protection Office.

Ang natuklasang katiwalian ay resulta sa ginawang inspection at physical accounting ng IMIS, NAPOLCOM sa mga police headquarters at station kung saan tinatayang ang naturang bilang ay posibleng umabot pa sa 2,000.

Sa ngayon ay masusing pinaiimbestigahan ng nasabing ahensiya kung nasaan sa ngayon ang mga tinaguriang ‘ghost cops’. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CIVIL SECURITY

COMMISSIONER MIGUEL CORONEL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGARDO AGLIPAY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INSPECTION MONITORING AND INVESTIGATION SERVICE

LORDETH BONILLA

NATIONAL POLICE COMMISSION

POLICE ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

POLICE SECURITY AND PROTECTION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with