Obrero dedo sa kuryetne
September 22, 2003 | 12:00am
Mistulang bulalakaw na nahulog mula sa billboard ang isang obrero matapos na makuryente at umapoy ang katawan habang nag-aayos ng billboard kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang biktima na si Vicente Bunganay, 45 ng Syrina St. 3rd Ave. Caloocan City matapos na malapnos ang katawan.
Ayon kay PO2 Randy Escobido ng Central Police District-Criminal-Investigation Unit (CPD-CIU) naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng EDSA at Corrigidor St. Bago Bantay ng nasabi ding lungsod.
Abala umano ang biktima sa pagkabit ng billboard sa Axis Auto Network building nang biglang madikit ang basang iron bar sa kable ng kuryente.
Dahil na rin sa lakas ng pasok ng kuryente, tumilapon ang katawan ng biktima habang nagliliyab hanggang sa humampas ang ulo nito sa semento.
Isinugod pa rin ng mga saksi ang biktima sa ospital subalit hindi na rin naisalba ng mga attending physician. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended