Sinalakay dakong alas-12 ng tanghali ng pinagsanib na puwersa ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) at Criminal Investigation and Detection Unit ng WPD ang Norjana Store sa 348-A at Benz Mark Store, sa 348-B sa Gunao St. Quiapo ng nasabi ding lungsod.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Lucia Purungganan pinasok ng mga operatiba ang dalawang bodega na pag-aari nina Benjie Karim at Jalil Pangandamuh at nakuha ang may 4,000 piraso ng bold VCDs.
Bukod sa naturang mga VCD na nagkakahalaga ng P150,000 nakumpiska din sa bodega ang mga gamit sa pag-imprenta ng mga label, cover, computer at blank VCD.
Ayon kay Supt. Edgar Danao hepe ng DIID matagal nang sumasailalim sa surveillance ang nasabing lugar bunga na rin ng reklamo hinggil sa garapalang bentahan ng mga bold VCD sa bangketa ng Quiapo. (Ulat ni Danilo Garcia)