^

Metro

Libu-libong 3x VCDs nakumpsika

-
Libu-libong pornographic Video Compact Discs (VCDs) ang nakumpiska ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) matapos na salakayin ang dalawang bodega na dating mga tindahan kahapon ng tanghali sa Quiapo, Maynila.

Sinalakay dakong alas-12 ng tanghali ng pinagsanib na puwersa ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) at Criminal Investigation and Detection Unit ng WPD ang Norjana Store sa 348-A at Benz Mark Store, sa 348-B sa Gunao St. Quiapo ng nasabi ding lungsod.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Lucia Purungganan pinasok ng mga operatiba ang dalawang bodega na pag-aari nina Benjie Karim at Jalil Pangandamuh at nakuha ang may 4,000 piraso ng bold VCDs.

Bukod sa naturang mga VCD na nagkakahalaga ng P150,000 nakumpiska din sa bodega ang mga gamit sa pag-imprenta ng mga label, cover, computer at blank VCD.

Ayon kay Supt. Edgar Danao hepe ng DIID matagal nang sumasailalim sa surveillance ang nasabing lugar bunga na rin ng reklamo hinggil sa garapalang bentahan ng mga bold VCD sa bangketa ng Quiapo. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BENJIE KARIM

BENZ MARK STORE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANILO GARCIA

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

EDGAR DANAO

GUNAO ST. QUIAPO

JALIL PANGANDAMUH

JUDGE LUCIA PURUNGGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with