Mag-asawa patay, 2 pa kritikal sa araro ng van
September 22, 2003 | 12:00am
Isang pamilya ang inararo ng delivery van na ikinasawi ng isang mag-asawa at ikinasugat naman ng malubha ng dalawang anak nito habang papatawid sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dead on the spot ang mga biktima na nakilalang sina Maricris, 28, at Richard Gardose, 28 ng 46 Aries St. San Roque II, Brgy. Pag-asa, Q.C. matapos na magtamo ng pinsala sa ulo at katawan.
Nasa kritikal namang kondisyon sa Veterans Memorial Medical Center ang kanilang dalawang anak na sina Jake, 1 at Samantha, 3 na nagtamo naman ng galos sa katawan at pinsala sa ulo.
Agad namang sumuko sa pulisya ang driver na si Gregorio Carolino, 26, ng Blk. 2, Lot 3 Phase 1-C, Greenwood Subdivision, Pasig City.
Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Jun Cuaresma ng Traffic Sector 6 na naganap ang insidente dakong alas 10:30 ng umaga ilang metro lamang ang layo sa bahay ng mga biktima.
Nabatid na kagagaling lamang sa pagsisimba sa EDSA Philam Homes Church ng mga biktima nang biglang dumating ang rumaragasang delivery van na may plakang XCG-138 na pag-aari ng Raymor Corp. na minamaneho ni Carolino.
Hindi agad naipreno ng suspect ang kanyang sasakyan hanggang sa mabundol at tumilapon ang mga ito sa kalsada.
Si Carolino ay sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at Serious Physical Injuries. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended