^

Metro

4 school officials pinagbabayad ng P 30M dahil sa pagpapatalsik sa isang mag-aaral

-
Apat na matataas na opisyal ng Colegio de San Juan de Letran ang pinagbabayad ng Caloocan City Regional Trial Court ng halagang P30 milyon bilang parusa sa ginawa ng mga itong pagpapatalsik ng hindi dumaan sa tamang proseso sa isang estudyante na umano’y sumali sa fraternity.

Sa ipinalabas na desisyon ni Judge Antonio Fineza ng CCRTC Branch 131 ang mga akusadong sina Fr. Edwin Lao, Fr. Rhommel Hernandez, Principal Tessie Suratos at Prof. Albert Rosarda ay napatunayang nagkasala sa pagpapatalsik kay Emerson Chester Kim Go noong Enero ng nakalipas na taon.

Si Kim Go ay unang inakusahan ng mga opisyal ng paaralan na umano’y sumali sa isang fraternity base na rin umano sa sumbong ng mga kaklase nito kaya’t agad na pinatalsik sa nasabing kolehiyo.

Ayon sa mga magulang ni Kim Go na sina Eugene at Angelita, hindi makatarungan ang ginawa ng apat na opisyal sa kanilang anak kaya’t napilitan silang magsampa ng kaso.

Base sa desisyon ni Judge Fineza, hindi naging makatarungan ang ginawang pagpapatalsik kay Kim Go na hindi dumaan sa tamang paraan at hindi pa napapatunayang lumabag nga sa alituntunin ng paaralan.

Sinabi pa ni Fineza na hindi tamang gawing basehan ang impormasyong nakalap ng apat na opisyal sa mga kaklase ni Kim Go na nagsasabing kasapi ito sa isang fraternity. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALBERT ROSARDA

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

EDWIN LAO

EMERSON CHESTER KIM GO

JUDGE ANTONIO FINEZA

JUDGE FINEZA

KIM GO

PRINCIPAL TESSIE SURATOS

RHOMMEL HERNANDEZ

ROSE TAMAYO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with