^

Metro

Barker tinarakan ng kapwa barker,patay

-
Sinaksak hanggang sa mapatay ang isang 25-anyos na barker ng kapwa nito barker dahilan sa lamangan sa pagtatawag ng mga pasahero sa Binondo, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Gat. Andres Bonifacio Hospital sanhi ng malalim na saksak sa katawan ang biktimang si Jesus Canlas, ng Tower Ville San Jose del Monte, Bulacan.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na nakilala lamang sa alyas nitong Muslim, isa ring barker na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Base sa ulat ni Det. Ed Cabal ng WPD, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa ng komprontahin ng suspect ang biktima habang abala itong nagtatawag ng pasahero ng FX taxi sa kanto ng Juan Luna at Sta. Elena Sts. sa Binondo.

Kaagad na lamang umanong nilapitan ng suspect ang biktima at walang sabi-sabing naglabas ng patalim at sinaksak ang huli.

Ayon sa mga saksi madalas umano nilang nakikitang nagtatalo ang dalawa tungkol sa kung sino sa kanila ang magtatawag ng pasahero.

May hinala naman ang mga awtoridad na matagal ng may alitan ang dalawa at nagtanim ng galit ang suspect sa biktima na nagbunsod sa pamamaslang dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

AYON

BINONDO

BULACAN

ED CABAL

ELENA STS

GEMMA AMARGO

JESUS CANLAS

JUAN LUNA

TOWER VILLE SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with