^

Metro

Sekyu sasabak sa boxing, masagip lang ang buhay ng kapatid

-
Isang night-shift security officer ng Sandiganbayan ang sasabak sa suntukan ngayong ika-7 ng gabi sa Tent City, Fort Bonifacio dala ang pag-asang siya’y mananalo upang suportahan ang gastusin sa ospital ng kanyang nakababatang kapatid na mahigit nang isang buwang naka-confine sa Quezon Institute.

Ayon kay Pedro Dalaguit, ang laban niya ngayong gabi ay maituturing niyang pinakamalaking laban sa kanyang buhay dahil gagawin niya ito para sa isang mahal sa buhay.

Ang boxing ay isang full-contact tournament na tinaguriang ‘Ultimate Fight’.

Sinabi ni Pedro na buto’t balat na ang kanyang kapatid na si Bonifacio Dalaguit dahil sa sakit na tuberculosis at stomach ulcer at wala na silang makunan ng salapi upang matustusan ang mga pangangailangan nito.

Sinabi pa nito na dati na rin siyang sumasabak sa boxing at umaasa siyang makakakuha siya ng pera ngayong gabi sa kanyang laban para ibigay sa kapatid.

Umaabot sa P3,000 hanggang P4,000 ang arawang gastusin ni Bonifacio maliban pa ang gastusin ng kanyang asawa at limang anak.

"Tricycle driver lang ang kapatid ko. Walang-wala rin. Hindi ko puwedeng iwanan ang pamilya niya habang ganyan siya," ani Dalaguit.

Sinabihan na rin umano ng mga doktor sa QI na ilabas na lamang nila si Bonifacio pero hindi pumayag si Pedro.

"Alam ko, mamamatay siya pag inalis ang oxygen. Buto’t balat na lang ang kapatid ko, hindi niya kakayanin," pahayag pa ni Pedro. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALAM

BONIFACIO

BONIFACIO DALAGUIT

FORT BONIFACIO

MALOU RONGALERIOS

PEDRO DALAGUIT

QUEZON INSTITUTE

SINABI

TENT CITY

ULTIMATE FIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with