^

Metro

Drug Enforcement Unit sa WPD Station binuwag

-
Matapos na mabisto ang garapalang pangongotong sa pamilya ng mga naarestong suspect sa droga, tuluyang binuwag na ni Western Police District (WPD) Director, Chief Supt. Pedro Bulaong ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Station 3 sa Blumentritt, Maynila.

Ito’y matapos na maaresto si Chief Insp. Edgar Alintog, hepe ng Station 3 DEU, nitong nakaraang Setyembre 15 sa isang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangongotong ng P140,000.

Sa isang kautusang ipinalabas ni Bulaong, sinabi nito na tuluyang nilansag na ang opisina ng DEU at wala nang kapangyarihan ang mga nakatalaga rito na magsagawa ng mga operasyon laban sa droga.

Nabatid na isang ginang ang nagreklamo sa NBI ukol sa panghihingi ng naturang halaga ni Alintog kapalit ng pagpapalaya sa kanyang anak na naaresto sa pagtutulak ng droga.

Isinagawa naman ang entrapment operation sa loob mismo ng naturang opisina matapos na tanggapin ni Alintog ang P10,000 marked money na paunang bayad lamang.

Sinabi ni Bulaong na kasalukuyan munang inilagay sa floating status ang ibang mga pulis na nakatalaga sa DEU habang ang iba naman ay ililipat ng assignment sa WPD Headquarters. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALINTOG

BULAONG

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EDGAR ALINTOG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PEDRO BULAONG

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with