^

Metro

US Judge sa Marcos account ignorante,sibakin - IBP

-
Pinasisibak ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Hawaii District Court Judge Manuel Real kaugnay ng pakikialam nito at pananapaw sa desisyon ng Korte Suprema hinggil sa $683M Marcos escrow account.

Sa 2-pahinang liham ng IBP na ipinadala nito kay Judge Real, sinabi nito na maituturing na iresponsable, ignorante at malisyoso ang pagpapalabas nito ng kautusan na ibalik ng gobyerno sa pamilya Marcos ang nasabing escrow account.

Binanggit pa ng IBP na masyadong pinanghihimasukan at pinakikialaman ni Judge Real ang kautusan at batas na umiiral sa bansa.

Pinaalala pa ng IBP kay Real na ang bansa ay isang independent at may sariling soberenya at hindi na isang kolonya ng Amerika kung kaya hindi nito dapat na sapawan ang desisyon ng Korte Suprema.

Anila, bunga ng kautusan ni Real, naipit ang nasabing pondo at hindi maipamahagi sa mga mahihirap na mamamayan.

Magugunita na nagpalabas ng desisyon ang SC kung saan idineklara nitong isang nakaw na yaman ng mga Marcoses ang naturang pondo at pinapayagan na mapunta sa pamahalaan ang naturang pondo.

Subalit noong Sept. 2, 2003 ay nagpalabas naman ng kautusan si Real kung saan sinabi nito na ang desisyon ng SC ay maituturing na labag sa batas at karapatan ng Marcoses.

Nagbanta pa rin si Real sa kanyang kautusan na ang sino mang lalabag dito ay maaaring kasuhan ng obstruction of justice.

Bunga nito, hiniling ng IBP sa US Supreme Court at sa American Bar Associations Inc. na i-disbar at sibakin mula sa kanyang posisyon si Judge Real dahil sa umano’y kaignorantehan at maling pagpapalabas ng desisyon. (Ulat ni Grace dela Cruz)<

AMERICAN BAR ASSOCIATIONS INC

AMERIKA

HAWAII DISTRICT COURT JUDGE MANUEL REAL

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JUDGE REAL

KORTE SUPREMA

MARCOSES

NITO

REAL

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with