^

Metro

Hapones nagpakamatay

-
Inihabilin na lamang sa Japanese Embassy ng isang matandang Hapones ang kanyang bangkay dahil sa wala siyang kamag-anak matapos itong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang nasawing dayuhan na si Mitsugi Nakashima, 56, tubong Hyago, Japan at pansamantalang nangungupahan sa Room 538 Riviera Mansion, Mabini St., Ermita, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na natagpuan ang bangkay ng Hapones dakong alas-2:30 ng tanghali sa loob ng inuupahan nitong kuwarto.

Ayon kina Maricon Dicon at Alona Tumbos, empleyado sa naturang hotel na kumatok sila sa room ng nasawi para maglinis ngunit hindi sila nito pinagbubuksan.

Dahil dito, napilitan silang ireport sa mga opisyal sa hotel ang insidente kung kaya mabilis na kinuha ang duplicate key para alamin kung may masamang nangyari dito.

Doon nila natuklasan ang ginawang pagbibigti ni Nakashima.

Natagpuan sa ibabaw ng kama nito ang isang suicide note na doon nakasaad ang paghingi niya ng tawad sa embahada ng Japan, ngunit hindi nito binanggit ang tunay na dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Nakasaad dito ang mga katagang : "to the Japan embassy, I’m sorry to cause you trouble, I have no relatives in Japan, please take care of my body, I want to die in the Philippines."

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para matiyak na walang naganap na ‘foul play’ sa pagkamatay nito. (Ulat ni Danilo Garcia)<

ALONA TUMBOS

AYON

DANILO GARCIA

HAPONES

JAPANESE EMBASSY

MABINI ST.

MARICON DICON

MAYNILA

MITSUGI NAKASHIMA

RIVIERA MANSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with