^

Metro

3 kidnappers timbog ng pulisya

-
Tatlong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng ‘kidnap for ransom syndicate’ ang dinakip ng pulisya habang naghahanda na naman ng kanilang panibagong operasyon, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Supt. Jose Marcelo ang mga nadakip na sina Romeo Trinidad, 34; Felixberto Palangan, 48, dating sundalo at Cristito Trinidad, 23, pawang nagmula sa Surigao del Sur at kasalukuyang naninirahan sa 24 St. Jude St., San Francisco Subdivision, Barangay Veinte Reales, Valenzuela City.

Nasamsam sa mga ito ang isang .45 cal. pistol at dalawang .38 cal. revolver.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang mamataan ang tatlo sa harap ng Enetron Gasoline Station sa Mc Arthur Highway sa Malanday, Valenzuela City kung saan ay agad na itinawag ng mga empleyado ng nasabing establisimento sa Patrol 117 ang kahina-hinalang ikinikilos ng mga suspect.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at pinalibutan ang lugar hanggang sa tuluyang masukol ang mga ito.

Sa himpilan ng pulisya nagpakilalang mga sundalo ang mga suspect subalit sa isinagawang pagsusuri sa rekord ng pulisya napag-alamang mga miyembro ito ng ‘kidnap for ransom’.

Napag-alaman din ng pulisya na dating preso at pumuga sa Tagum City Jail si Romeo Trinidad sa kasong kidnapping with ransom. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BARANGAY VEINTE REALES

CRISTITO TRINIDAD

ENETRON GASOLINE STATION

FELIXBERTO PALANGAN

JOSE MARCELO

MC ARTHUR HIGHWAY

ROMEO TRINIDAD

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with