^

Metro

Mag-asawang trader nakaligtas sa kidnap

-
Nakaligtas mula sa tatlong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) syndicate ang mag-asawang negosyante makaraang pagtangkaan silang dukutin kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Kinilala ang mga biktimang sina Julio at Corazon Jaucian, kapwa 56-anyos at nakatira sa #138 O. Santos St., Mandaluyong City.

Samantala, tumakas ang hindi pa nakilalang mga suspect at inabandona ng mga ito ang kanilang sinasakyang asul na Kia Besta van na may plakang WRW-642.

Nakuha sa loob nito ang isang ID ng isang nagngangalang SPO1 Antonio Amores, nakatalaga sa Dasmariñas, Cavite police at isang caliber .38.

Ayon sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 kahapon ng umaga sa kahabaan ng Ninoy Aquino International Airport, harapan ng Amvil Corp., Brgy. San Dionisio papuntang Baclaran ng lungsod na ito.

Sakay ang mga biktima ng isang 4-door Honda Civic na may plakang WTL-440 nang bigla itong hinarang ng armadong mga suspect at tangkang kikidnapin ang mga ito.

Ngunit nagsisigaw at nanlaban ang mga biktima na nakapagbigay-pansin sa mga guwardiya na kaagad na rumesponde sa naturang insidente.

Dahil dito, nakaligtas ang mag-asawa sa kanilang mga kidnaper kung saan tinangay na lang ang kanilang sasakyan ng mga suspect. Inabandona naman ng mga ito ang sinakyang Kia Besta van.

Sinabi naman ni SPO1 Amores na hiniram lang ng kanyang driver ang kanyang sasakyan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AMVIL CORP

ANTONIO AMORES

CITY POLICE

CORAZON JAUCIAN

HONDA CIVIC

KIA BESTA

LORDETH BONILLA

MANDALUYONG CITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with