2 OFW mula sa Saudi absuwelto sa kasong murder

Dumating kahapon ang dalawa sa tatlong Overseas Filipino Workers na unang hinatulan ng kamatayan ng Saudi Arabia Court subalit napawalang sala sa kasong murder matapos na muli itong pag-aralan ng korte.

Sina Joselito Alejo, 48, ng Bulacan at Ramiro Esmero, 38, ng Liliw, Laguna ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport dakong ala 1:10 ng hapon lulan ng Saudia Air flight SV 861. Si Alejo ay dental technologist samantalang plant operator naman si Esmero sa Riyadh.

Ang isa pang OFW na si Romeo Cordova ay pansamantalang naiwan sa Riyadh subalit nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon kina Alejo at Esmero, napatunayan ding wala silang kasalanan matapos ang pitong taon nilang pagkakakulong.

Nangako naman ang OWWA na ipagkakaloob sa dalawang OFW ang benepisyo na nawala sa kanila sa loob ng pitong taon. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments