Trader kinidnap sa Malabon
September 17, 2003 | 12:00am
Isang negosyante na Filipino-Chinese ang dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFR) na kumikilos sa Metro Manila kahapon ng umaga sa Malabon City.
Si William Uy, 45 ng Binondo, Maynila at may-ari ng Kaunlaran Construction Supply sa Malabon ay dinukot dakong alas-7 ng umaga habang pababa ng kanyang sasakyang Nissan Frontier na may plakang YWU 888.
Bubuksan ni Uy ang kanyang tindahan sa Lapu-Lapu St. Brgy. Longos, Malabon nanng bigla itong tutukan ng baril at sapilitang isakay sa kanyang sariling sasakyan na nagsilbi na ring get away car ng mga suspect na pawang mga armado ng kalibre .45 baril.
May hinala ang pulisya na matagal nang sinusubaybayan ng mga suspect ang biktima at kahapon lamang isinagawa ng mga ito ang kanilang pagdukot sa biktima.
Kumbinsido naman ang pulisya na KFR ang responsable sa pagdukot kay Uy dahil na rin sa estilo ng pagdukot sa biktima.
Gayunman, wala pa namang natatanggap na ransom demand ang pamilya ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest