Ang grupo na karamihan ay pawang mga opisyal ng Washington ay lumapag sa AGES hangar ng NAIA lulan ng DC-10 military aircraft. Sinalubong sila ng mga kinatawan ng US Embassy.
Magsasagawa ang grupo ng isang araw na security familiarization tour sa ibat ibang bahagi ng airport para sa security arrangement na gagamitin sa napipintong state visit ni Pres. Bush.
Naunang dumating ang unang batch ng advance party ng Washington noong Miyerkules para sa elaborate security measures.
Si Pres. Bush ay nakatakdang dumating sa Manila para sa 8-oras na state visit patungong Thailand kung saan dadalo siya sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).
Ito ang unang pagbisita ni Bush sa Pilipinas matapos niyang ideklara noong Mayo na ang Pilipinas ay isang kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO). (Ulat ni Butch Quejada)