Most wanted na lider ng Ilonggo Group tiklo
September 15, 2003 | 12:00am
Arestado ang most wanted lider ng Ilonggo Group na sinasabing may patong na kalahating milyon piso sa ulo habang nahuli sa aktong nagbebenta ng mga pekeng VCD at DVD kamakalawa sa Parañaque City.
Kinilala ang suspect na si Michael Condeza, alias Michael Gumban na pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. San Antonio, Valley 2 ng nasabi ding lungsod.
Lumilitaw na nakatanggap ng tawag sa cellphone si PO3 Joselito Jamig na nakatalaga sa Western Metro Manila Criminal Investigation and Detection Team mula kay Ret. Philippine Army M/Sgt. Reynaldo Alarcon na namataan niya si Condeza sa nasabing barangay.
Dakong alas 5 ng hapon ng ipasya ng mga pulis na isagawa ang operasyon at nahuli sa akto si Condeza na nagtitinda ng mga pirated VCD at DVD.
Tinangka pa umano ni Condeza na tumakas subalit mabilis itong nasukol ng mga awtoridad.
Si Condeza ay wanted ng DILG at ng Philippine National Police (PNP) sa serye ng panghoholdap sa ibat ibang lugar sa Metro Manila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended