^

Metro

Administrative, criminal case vs Cong. Echiverri

-
Nahaharap ngayon sa kasong administratibo at kriminal si Caloocan 1st District Congressman Enrico "Recom" Echiverri matapos itong ireklamo ng isang barangay captain sa lungsod ng Caloocan hinggil sa umano’y pamemeke nito ng kanyang pirma para sa "ghost delivery" ng mga handheld radio sa nasasakupang distrito nito.

Ayon kay Brgy. Captain Rolando Rivera ng Brgy. 186, Barracks 11, Tala, pineke umano ni Echiverri ang kanyang lagda upang maisakatuparan ang nagkakahalagang kalahating milyong piso na ghost project at delivery ng handheld radio mula sa Department of Transportation and Communication (DOTC).

Nabatid na kasong forgery sa korte at violation of anti-graft and corrupt practices act sa Office of the Ombudsman ang isasampa ni Rivera laban sa nasabing mambabatas.

Sabit din sa kaso ang umano’y iba pang kawani ng DOTC na pumirma at lumagda sa delivery receipt.

Kaugnay nito, mariin namang pinabulaanan ni Echiverri ang akusasyon ni Rivera kung saan tatapatan naman niya ito ng kasong libelo sa korte.

Aniya, may pangalan siyang iniingatan at hindi hindi niya hahayaan na sirain ito ng isang tao na nais na pabagsakin ang kanyang political career. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANIYA

BRGY

CALOOCAN

CAPTAIN ROLANDO RIVERA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DISTRICT CONGRESSMAN ENRICO

ECHIVERRI

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

RIVERA

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with