Binata, binaril ng pulis sa noo, patay
September 15, 2003 | 12:00am
Isang binata ang nabaril at napatay ng isang pulis Caloocan makaraang saklolohan nito ang kanyang kaibigan na kinukursunada ng huli kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Patay na nang idating sa Chinese General Hospital ang biktima na nakilalang si Jeffrey Uy, 24, ng #701 Tagaytay St. Brgy. San Jose, Quezon City, matapos itong magtamo ng tama ng bala ng baril sa noo.
Mabilis namang nakatakas at ngayoy pinaghahanap ang suspect na si SPO1 Arthur dela Cruz ng Pag-asa St. Caloocan City at nakatalaga sa Caloocan City Police Headquarters.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ernesto Fabre ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng A. Bonifacio Ave. at Agudo St. sa nasabi ding barangay.
Ayon kay Rudy Hamor, 24, tricycle driver at kaibigan ng biktima, kasalukuyan niyang binabagtas ang A. Bonifacio nang bigla siyang harangin ng suspect na lasing sa alak.
Nagulat na lamang si Hamor nang bigla siyang gulpihin ng suspect subalit nagawa pa rin niyang makatakbo hanggang sa maiwanan nito ang kanyang tricycle.
Dahil dito, humingi ng tulong si Hamor sa kanyang mga kaibigan na kinabibilangan ni Uy subalit hindi niya akalain na sasalubungin ito ng bala ng baril ng suspect sa noo.
Sinabi ni Hamor na wala naman siyang natatandaan na may atraso sila sa suspect na posibleng dahilan upang gulpihin siya at barilin si Uy. (Ulat ni Doris F. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended