^

Metro

1 pang bangko hinoldap sa Valenzuela

-
Tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang natangay sa naganap na panibagong panghoholdap sa bangko kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Kasabay nito, hayagan na ring inakusahan ng isang mataas na opisyal ng PNP ang kapwa niya heneral sa umano’y hindi epektibong panunungkulan kung kaya talamak ang nagaganap na bank robbery sa Metro Manila.

Ayon sa ulat, sinalakay ng apat na armadong kalalakihang pinaniniwalaang miyembro ng ‘Jaguar Group’ ang sangay ng Planters Bank sa Mc Arthur Highway sa Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:20 ng umaga ng biglang pumasok sa loob ng naturang bangko ang mga suspect na pawang nakasuot ng sumbrero at armado ng mga baril. Agad na tinutukan at dinisarmahan ang naka-duty na sekyu at saka isinunod ang mga kahera.

Mabilis na pinadapa ang mga kliyente ng nasabing bangko at saka pinasok ang safety vault na naaktuhan nilang nakabukas ng mga sandaling iyon.

Sa loob lamang ng limang minuto ay nakulimbat na ng mga suspect ang tinatayang kalahating milyong cash.

Nabatid na dalawang motorsiklo ang ginamit na get- away vehicle ng mga suspect kung saan ang isa dito na isang itim na Kawasaki na narekober sa Potrero, Malabon City dakong alas-12 ng tanghali.

Samantala, tahasang sinisi ni Deputy Directorate for Police Community Relations, Director Ricardo de Leon si NCRPO Chief Deputy Director General Reynaldo Velasco sa serye ng bank robbery sa Metro Manila.,

Ayon kay de Leon, ang kapabayaan umano sa tungkulin ng pamunuan ni Velasco ang dahilan sa sunod-sunod na pag-atake ng mga bank robbers sa loob ng nakalipas na dalawang linggo.

Aniya, ayaw kasing aminin ni Velasco ang totoong kalagayan ng seguridad sa Metro Manila na lagi nitong sinasabing maayos sa kabila ng magkakasunod na pag-atake ng mga grupong kriminal.

Binigyang diin ni de Leon na kung ginagawa lamang talaga ng NCRPO ang kanilang tungkulin ay mapipigilan ang holdapan at iba pang criminal activities.

Magugunita na nitong nakalipas na Agosto 25 ay nilooban ng may 30 armadong kalalakihan ang Citibank sa Makati City at sumunod naman ang Union Bank sa Parañaque City. (Ulat nina Rose Tamayo at Joy Cantos)

AYON

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DEPUTY DIRECTORATE

DIRECTOR RICARDO

JAGUAR GROUP

JOY CANTOS

MAKATI CITY

METRO MANILA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with