25-anyos na trader hiniwalayan ng lover, tumungga ng Baygon, patay
September 13, 2003 | 12:00am
Dahil sa hindi matanggap na hiniwalayan siya ng kanyang live-in-partner isang 25-anyos na negosyante ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pa-inom ng insect spray na Baygon sa loob mismo ng kanyang sasakyan, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Patay na nang idating sa Perpetual Medical Center ang biktima na nakilalang si Roger Niduazo, binata, ng 41 Juliana Drive, Casimiro Village ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na dakong alas-7:30 kahapon ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang mga kaanak sa loob ng F-150 niyang sasakyan na may plakang WKB-328 habang nakaparada sa likod ng bahay ng kanyang mga magulang sa kahabaan ng Casimiro St., Citadella, Barangay Pamplona, Las Piñas City.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Roland Ramos, ng Criminal Investigation Division ng Las Piñas Police na nag-away ang nasawi at ang kanyang live-in partner na masyado nitong dinamdam kung kaya nagpasya na lang ito na tapusin ang kanyang buhay kung saan kumuha ito ng 50 ml. na Baygon at kanyang nilagok at sinundan pa ng pag-inom ng Red Horse.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended