^

Metro

NAIA security binulabog ng F4

-
Binatikos kahapon ng mga taga-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang seguridad sa pagdating ng bandang F4 dahil sa inutil umano ang mga nagbigay ng security measures dito.

Nagkaroon ng matinding balyahan at ilan din ang nasugatan sa pagkakagulo nang biglang lumitaw si Barbie Xu Xi Yuan na kilala bilang si San Cai sa Chinovela na kanyang kinatatampukan at kapatid nitong si Dee Xu.

Nagmistulang star-struck ang mga security personnel ng MIAA, katulad ng inaasahan, naging inutil ang mga itinalagang crowd control ni retired General Angel Atutubo, hepe ng Security and Emergency Services ng nasabing paliparan nang hindi nila makontrol ang mga tagahanga na nagtulakan nang lumabas ang mga star ng Meteor Garden sa Gate 16 nang lumabas sila sa eroplano ng China Airlines flight CI-631.

May ilang taong nasugatan, nakalmot, naapakan ang mga paa nang magkatulakan dahil nag-uunahan ang mga ito sa pagkuha ng litrato.

Binatikos ng Bureau of Immigration sa airport ang hindi pagdaan sa kanila ng nasabing artista.

"Parang human smuggling ang nangyari, hindi nila idinaan sa amin ito at sa halip ay sa rampa nila ibinaba kaya hindi man lamang namin natatakan ang kanilang passports," anang isang immigration officer na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Tinuligsa ng NAIAA reporters sina Fernando Maliwanag at isang Soriano, kapwa miyembro ng Industrial Security Guard (airport police).

Sa halip na ang mga nagkakagulong fans ang kanilang kinontrol, airport reporters ang kanilang itinulak at pinagbawalang makababa sa rampa gayong ang ibang reporters dito ay halos walang mga access pass.

Kinondena ng mga newsmen kung bakit tanging mga taga-telebisyon lamang ang pinayagan nina Maliwanag at Soriano na makalapit kay Yuan at ang iba pa na ang tanging suot ay "daily stick-on pass" lamang.

Samantala, ganoong kaguluhan din ang naganap nang dumating sina Vaness Wu Jian Halo at Ken Zhu Xiao Tian, sakay ng China Airlines flight 635 dakong alas-3:30 kahapon ng hapon.

Gumamit pa ang pamunuan ng ABS-CBN ng "decoy" na kinilalang sina Aron Lim at MJ Coronel na miyembro ng Talent Center ng ABS-CBN upang iligaw ang mga photographer ng mga dyaryo.

Maging si Atutubo ay sumama sa pagligaw ng mga miyembro ng media nang sabihin niya sa mga ito na sa Gate 4 dadaan ang dalawang Taiwanese gayung sa emergency stairways ito idinaan pababa sa rampa.

Matatandaan sa buong kasaysayan ng airport ay tanging si dating Senador Ninoy Aquino lamang ang idinaan sa nasabing emergency gate.

Hindi rin nagustuhan ng mga miyembro ng PNP-Aviation Security Group ang ginawa ng grupo nina Atutubo at mga Industrial Security Guards dahil walang coordination sa kanila ang nasabing arrangement at inilagay pa umano ng mga ito sa panganib ang seguridad ng airport. (Ulat ni Butch Quejada)

ARON LIM

ATUTUBO

AVIATION SECURITY GROUP

BARBIE XU XI YUAN

BINATIKOS

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CHINA AIRLINES

DEE XU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with