Bukod sa hatol na bitay pinagbabayad din ni Judge Amalia Dy ng Branch 13 ang akusado na nakilalang si Joseph Mostrales, isa rin sa mga hinihinalang pumatay kay Capt. Baron Cervantes, ang dating spokesman ng YOU ng kabuuang halagang P13.2 milyon para sa pinsalang naidulot ng ginawa nito. Sa 38 pahinang desisyon, ibinasura ni Dy ang alibi ng akusado na siya ay nasa ibang lugar ng maganap ang insidente dahil sa positibong pagkilala sa kanya ng mga testigo.
Nabatid na papasok na sa paaralan ang 16-anyos na biktima sakay ng puting Starex nang harangin ng isang Revo sa kanto ng Calderon at Pilar St. sa Mandaluyong dakong alas-6:35 noong Nobyembre 12, 2001.
Apat na lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril at sapilitang dinala ang biktima. Pinakawalan lamang ito matapos ang may limang araw nang makuha nila ang P11 milyong ransom. Nasakote naman si Mostrales noong nakalipas na Mayo 12, 2002 sa kanyang bahay sa Lauren, Pangasinan. Itinanggi rin nito ang pagkakasangkot niya sa pagpaslang kay Cervantes. (Ulat ni Edwin Balasa)