Sanggol pinapak ng daga,patay
September 10, 2003 | 12:00am
Bangkay na at puno ng sugat sa katawan ang walong-buwang gulang na sanggol nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay makaraang umanoy papakin ng mga naglalakihang daga, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang biktimang sanggol na si Jefferson Esquerra. Patay na ito nang makita ng kanyang inang si Julie Anne, 18, sa loob ng kanilang bahay sa Old Camarin, Zabarte Road, Barangay Kaligayahan, Quezon City dakong alas-6 kamakalawa ng gabi.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Joseph Dino ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, nagulat na lamang si Julie Ann nang magising siya at mapansing hindi na gumagalaw ang kanyang anak.
Napansin din nito na puno ng malalalim at malalaking sugat sa katawan ang bata at hinihinalang ito ay gawa ng malalaking daga na gumagala sa kanilang barung-barong.
Sinabi ng pulisya na matagal na ring oras na patay ang sanggol na naamoy naman ng mga daga hanggang sa pagpiyestahan ito.
Gayunman, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa nasabing insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am