^

Metro

Assistant chief sa NAIA todas sa ambush

-
Inambus at napatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang mataas na opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nakilala ang biktima na si Lilia Diaz, 46, assistant general manager for finance sa nabanggit na paliparan at residente ng #78 Armstrong St., Moonwalk Subdivision, Parañaque City.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala ng baril sa kanang balikat na nagtagos sa kanyang puso. Patay na ito nang idating sa Olivarez General Hospital.

Ang biktima ay sinasabing isa umano sa ‘bagman’ ni NAIA general manager Edgardo Manda sa kontrobersiyal na Lualhati Foundation.

Kamakailan ay hinatulan ang biktima ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ng pagkabilanggo ng 4 hanggang 6 na taon dahil sa kasong extortion subalit nananatili pa rin sa kanyang puwesto kahit may desisyon na ang korte.

Kinondena naman ni Manda ang pagkapaslang kay Diaz kasabay ng pagsasabing ‘pinatahimik’ si Diaz isang araw matapos itong banggitin sa Senate hearing na isa sa kanyang mga trusted person.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pananambang dakong alas-9 ng umaga kahapon sa Rodriguez Avenue, Multinational Village sa Parañaque.

Napag-alaman na lulan si Diaz ng kanyang kulay puting L-300 van na may plakang XAY-718 at papasok na umano sa NAIA.

Binanggit ng driver nito na si Edwin Defeo na binagalan niya ang takbo ng sasakyan nang mapadaan sila sa isang hump. Napansin ng driver na tumayo ang isang lalaki na noon ay nasa isang tindahan at lumapit sa kanang bahagi ng sasakyan kung saan nakaupo ang biktima.

Biglang bumunot ang salarin at saka pinaputukan ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Ayon naman sa ilang saksi, sumakay naman ang gunman sa isang motorsiklo na naghihintay sa hindi kalayuang lugar.

Kasalukuyang inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa naganap na pagpaslang. (Ulat nina Butch Quejada at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARMSTRONG ST.

AYON

BUTCH QUEJADA

DIAZ

EDGARDO MANDA

EDWIN DEFEO

ISANG

LILIA DIAZ

LORDETH BONILLA

LUALHATI FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with