^

Metro

Hijacking syndicate nalansag

-
Pinaniniwalaang nalansag na ang isang hijacking syndicate sa Kalakhang Maynila matapos na masakote ng mga operatiba ng Northen Police District-District Police Intelligence Unit ang lider nito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector Sotero Ramos, hepe ng NPD-DPIU ang naaresto na si Florencio Ancino alyas Baduy, 29 at residente ng 464 Urbiztondo, Binondo, Maynila.

Si Ancino ay matagal nang sinintensiyahan ‘in absentia’ ng 10 hanggang 17 taon at apat na buwang pagkabilanggo ni Judge Emmanuel Laurea ng Malabon City Regional Trial Court matapos nitong tangayin ang mahigit P1 milyong halaga ng gatas noong Mayo 10, 2000 ng negosyanteng si Reynaldo Gabriel.

Nabatid na si Ancino ay nadakip sa Plaza del Conde, Binondo, Maynila bunga na rin ng isinagawang surveillance ng pulisya.

Napag-alaman na ang grupo ni Ancino ang responsable sa malakihang insidente ng hijacking sa ilang lugar sa MM. (Ulat ni Jo Cagande)

ANCINO

BINONDO

CHIEF INSPECTOR SOTERO RAMOS

FLORENCIO ANCINO

JO CAGANDE

JUDGE EMMANUEL LAUREA

KALAKHANG MAYNILA

MALABON CITY REGIONAL TRIAL COURT

MAYNILA

NORTHEN POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

REYNALDO GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with