^

Metro

7 pulis-Maynila kinasuhan sa Ombudsman

-
Isang police Colonel at anim pang tauhan nito ang sinampahan ng reklamo ng kanilang kapwa pulis Maynila sa Office of the Ombudsman matapos na iugnay sa misteryosong pagpaslang ng isang ‘hired killer’ sa kanyang kapatid na barangay chairwoman sa Maynila kamakailan.

Nahaharap ngayon sa kasong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct at Robbery/ Extortion ang mga pulis-Maynila na sina Sr.Supt. Ernesto Datuin Ibay, hepe ng Manila City Hall Detachment-Special Operations Group; SPO4 Romeo Olidana, SPO2 Francisco Rodrigo;SPO1’s Jesus Victorino at Rizalino Intal at PO3’s na sina Arnel Clavo at Jessie Atiga, pawang mga tauhan ng SOG.

Batay sa affidavit nina PO2 Manuel Pimentel ng WPD-DPIU at inang si Beata Pimentel sa tanggapan ng Deputy Ombudsman for the Military na isinumite noong Setyembre 3, umabuso umano sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na pulis-Maynila matapos na iset-up at puwersahang ikulong ng isang linggo sa SOG detention cell at pagnakawan ng humigit-kumulang ng P1 milyon ang chairwoman na si Miranda Pimentel, 44 ng Brgy. 269, Zone 25, Binondo, Maynila bago ito paslangin.

Ayon kay PO2 Pimentel, inimbitahan ni Supt. Ibay ang kanyang kapatid na si Minda sa tanggapan ng SOG upang pagharapin sila nina Purita at Wilson Chiam na nagmamay-ari ng New Eslon Marketing makaraang makabangga ng biktima hinggil sa pagtatanggal ng steel carts na pag-aari ng mga nabanggit na negosyante na nakakabara sa daanan na nasasakupan ng pinatay na chairwoman.

Nauna rito, inaresto ng mga barangay tanod na sina Luisito Luna at Juanito Cortez ang helper nina Chiam na nakilalang si Mark Anthony Guarin, 23 dahil sa patuloy na paglabag sa kautusan na pinaiiral ng barangay at city hall at ikinulong sa WPD-Station 11.

Dahil dito, inutos naman ni Ibay na iturn-over sa SOG si Guarin at muling ipina-medical check-up sa ibang pagamutan hanggang pasampahan nito ng patung-patong na kaso ang biktima.

Nang ipatawag ang biktima sa SOG at iharap sa dalawang Chiam noong Hulyo, hindi na rin pinaalis ni Ibay ang una hanggang sa tuluyan na itong ikulong bunga ng umano’y mga kasong dinuktor nito at ng kanyang anim na tauhan.

Pinalabas din ni Ibay na suspendido ang biktima kung kaya’t wala itong karapatan na magpatupad ng kanyang tungkulin.

Bukod dito, nawala din ang dalang bag ng biktima na may lamang humigit-kumulang sa P1 milyon nang puwersahan itong ikulong ng mga pulis SOG. Nang makalabas sa pagkakakulong, pinagbabaril naman ang biktima noong Agosto 18 habang ito ay nagluluto sa tapat ng barangay hall na ikinasugat ng isa pa.

Bunga nito, sunud-sunod na death threats ang natatanggap ng pamilya Pimentel na sila ang isusunod na ‘itutumba’ ng mga hindi pa nakikilalang killers na ipinalalagay namang may kinalaman sa pagkamatay ng chairwoman at batay na rin sa kautusan ni Ibay. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARNEL CLAVO

BEATA PIMENTEL

CHIAM

DEPUTY OMBUDSMAN

ELLEN FERNANDO

ERNESTO DATUIN IBAY

FRANCISCO RODRIGO

IBAY

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with