Lalaki tumalon sa overpass, lumagapak sa bubong ng kotse
September 4, 2003 | 12:00am
Sinusuwerte pa rin ang isang 26-anyos na lalaki makaraan itong magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa isang overpass subalit imbes na lumagapak sa kalye ay sa bubong ng isang dumaraang sasakyan ito bumagsak, kamakalawa ng gabi sa EDSA, Quezon City.
Agad na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center ni Dr. Alfredo Mapanoo ang nagtangkang magpakamatay na si Rolando Senyo, isang helper sa Cubao, ng nabanggit na lungsod sanhi ng pagkabagok at ilang pinsala sa katawan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi ng maganap ang insidente sa overpass sa P. Tuazon sa Cubao.
Ayon kay Dr. Mapanoo, binabagtas niya ang kahabaan ng Edsa lulan sa minamaneho niyang Nissan Sentra at pagtapat niya sa may overpass ay biglang may malakas na lumagapak sa bubong ng sasakyan.
Agad itong bumaba at tiningnan kung ano ang bumagsak hanggang sa makita niya ang duguang si Senyo.
Nabatid na nagtangkang magpatiwakal si Senyo subalit hindi inaasahang sa bubong ng kotse ng doktor ito bumagsak.
Sa halip na magalit dahil sa pagkabasag at pagkayupi ng kanyang sasakyan ay agad na isinugod ng doktor sa pagamutan si Senyo na ngayon umano ay nasa ligtas ng kalagayan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended