^

Metro

Dalagita ginahasa na hinostage pa ng amain

-
Isang 14-anyos na dalagita ang hinostage at tinangkang pasabugan ng granada ng kanyang amain matapos na mahuli ang huli na pinagsasamantalahan ang una, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Itinago ang biktima sa pangalang Chinchin ng Marcelo Green Village ng nabanggit na lungsod.

Agad namang nadakip ang suspect na nakilalang si Patricio Villafrancia, 43, dating sundalo.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa reklamo ng ina ng dalagita na nakilalang si Fe, 38, na nahuli niya ang kanyang ka-live-in na si Villafrancia na hinahalay ang kanyang anak.

Dahil dito, agad siyang humingi ng tulong sa mga tanod. Nang dumating ang mga tanod sa bahay ay agad na naalarma ang suspect at sa takot na mahuli ay kinuha nito ang isang granada at saka hinostage ng may 30 hanggang 40 minuto ang pinagsamantalahang dalagita.

Mabilis na dumating ang mga tauhan ng SWAT na nakipag-negosasyon sa suspect.

Makalipas ang ilang minuto ay napahinuhod ang suspect na sumuko sa mga awtoridad. Nasamsam dito ang isang cal. 38 baril, 2 granada at bala ng M-16 rifle. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CHINCHIN

DAHIL

ISANG

ITINAGO

LORDETH BONILLA

MABILIS

MAKALIPAS

MARCELO GREEN VILLAGE

PATRICIO VILLAFRANCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with