Trader itinumba ng hired killers
September 3, 2003 | 12:00am
Isang negosyanteng kumandidatong barangay chairman ang itinumba ng dalawang hinihinalang hired killers habang naglalakad ang una, kahapon ng umaga sa Navotas.
Ang biktima na agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente ay nakilalang si Danilo Raymundo, 51, residente ng #59 Galicia St., Bangkulasi, ng nasabing bayan.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang di-kilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente dala ang ginamit na baril.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Rafael Espadero, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga malapit sa Urban Bank na matatagpuan sa North Bay Blvd., Navotas.
Ayon sa ulat, naglalakad umano ang biktima sa nasabing lugar nang bigla itong lapitan at akbayan ng dalawang suspect habang ang isa sa mga ito ay may hawak na baril.
Agad na itinutok ng suspect ang dalang armas sa ulo ng biktima at walang sabi-sabing binaril na nagresulta ng agarang pagkamatay nito habang mabilis na tumakas ang mga suspect.
Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na posibleng ang mga suspect ay kilalang mga hired killers o mga professional killer base na rin umano sa pinong kilos ng mga ito at hinihinala pa ng pulisya na may bahid-pulitika ang motibo sa pagpapaligpit kay Raymundo. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended