^

Metro

Metro Manila lumubog sa tubig baha

-
Hinagupit ng bagyong Onyok ang mayorya ng hilagang Luzon partikular na sa Batanes Group of Islands na nagdulot rin ng malakas na pagbuhos ng ulan at hangin sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Sa report na ipinalabas kahapon ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) Administrator Ret. Major Gen. Melchor Rosales, dumanas ng matinding pagbaha ang mabababang lugar sa Metro Manila.

Gaya na rin ng dati ng mga problema, libu-libong mga commuters partikular na ang mga estudyante ang na-stranded sa iba’t ibang lugar sanhi rin naman ng huli na nang isuspinde ang mga klase sa maraming lugar.

Sa Maynila, dakong alas-7 pa lamang ng umaga nang mag-umpisang tumaas ang tubig-baha sa ibat-ibang lugar dito.

Umakyat ng lagpas tuhod ang baha sa mga lugar sa Sampaloc, Recto at ilang bahagi sa Taft Avenue, San Marcelino sa United Nations, España at sa Pandacan at sa Lawton sa tapat ng Manila City Hall.

Sa Quezon City ay ang kahabaan ng Commonwealth , Don Fabian, E. delos Santos Hospital Ilang-Ilang at Elliptical/Kalayaan, Visayas Avenue, Tandang Sora.

Tumaas din ang tubig sa Tumana Bridge sa Marikina, sa Caloocan City at Letre Road sa Malabon, gayundin sa Pasong Tamo Urban sa Makati.

Una nang nagdeklara na walang pasok kahapon sa Mandaluyong dahil sa mataas na tubig na naranasan sa malaking bahagi sa lungsod. Ito ay sa lahat ng level.

Sa Maynila, unang isinuspinde ang klase sa elementarya at high school at bandang tanghali na ng ideklara na walang pasok sa kolehiyo.

Batay sa report ang bagyong si Onyok na nanalasa sa Northern Luzon at Batanes Island ay palabas na ng bansa bagaman makakaranas pa rin ang ilang lugar ng pagbuhos ng ulan.

Ayon pa sa NDCC, maging ang Kennon Road sa Benguet ay tuluyan nang isinara dahil sa panganib na posibleng idulot ng tuluy-tuloy sa pag-ulan. (Ulat nina Joy Cantos, Danilo Garcia at Angie dela Cruz)

ADMINISTRATOR RET

BATANES GROUP OF ISLANDS

BATANES ISLAND

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

DON FABIAN

JOY CANTOS

KENNON ROAD

METRO MANILA

SA MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with