Bombay na tumestigo vs Erap, inambus
September 2, 2003 | 12:00am
Nakaligtas sa ambush ang isang Indian national na tumestigo sa isinagawang impeachment trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada at sa anak nitong si Jinggoy, kamakalawa ng gabi sa lungsod ng Parañaque.
Nakilala ang biktima na si Danny Devdani, negosyante, ng Marina Bay Homes, General Emilio Boulevard, Brgy. Tambo, Parañaque City na sinasabing dating kaibigan ni Erap.
Sa inisyal na ulat ni Supt. Ronald Estilles, chief ng Parañaque City police si Devdani ay sinundo ng isang Jorge Sanchez, 36, ng Signal Village, Taguig, driver ng Nissan Rent a Car sa kanyang bahay para dalhin sa Heritage Hotel.
Dakong alas-9:15 ng gabi kamakalawa matapos na masundo sa bahay ang biktima at habang dumadaan sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue sa Brgy. Tambo, Parañaque ang sinasakyan nitong isang Toyota Corolla na may plakang XAB-897 na minamaneho ni Sanchez ay bigla na lamang hinarang ng isang tinted na sasakyan na walang plaka.
Walang sabi-sabi umanong pinaulanan ng putok ng baril ang sinasakyan ng biktima at pagkatapos nito ay mabilis ng nagsitakas ang hindi pa nakikilalang suspects.
Masuwerte naman at hindi tinamaan ang biktima at ang driver.
Malaki ang paniwala ng biktima na may kinalaman sa pagtestigo niya sa isinagawang impeachment trial ng dating Pangulo at sa anak nitong si Jinggoy ang bigong pag-ambush sa kanya.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung ano ang tunay na motibo sa insidente, gayundin ang pagtugis sa mga suspect.
Gayunman, ilang police source ang hindi kumbinsido sa anggulo ng ambush.
Binanggit ng mga ito na kung pag-aaralan sa dami ng tama ng bala sa sasakyan nito, imposible umano itong makaligtas maging ang driver na si Sanchez. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended