Trader patay sa ambush
September 1, 2003 | 12:00am
Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect matapos na tambangan kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Namatay habang ginagamot sa Far Eastern University Hospital ang biktima na si Liezel Arsolon, 29, marketing manager ng VS Classic Clothing at residente ng Phase 7-B Blk 87, Lot 7 Package 111, Bagong Silang, Caloocan City.
Batay sa ulat ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Commonwealth Ave. at Litex Road, Brgy. Commonwealth, Q.C.
Lulan ng kanyang sasakyang Toyota Grandia na may plakang WKK 841 si Arsolon nang biglang harangin ng mga suspect na naglalakad lamang.
Sa pag-aakalang tatawid ang mga suspect tumigil ang biktima subalit hindi nito akalain na papuputukan siya ng mga ito ng tatlong ulit. Tinamaan ang biktima sa ulo at sa dibdib.
Hinihinala ng pulisya na kilala ng biktima ang mga suspect kung kayat sinigurado ng mga ito ang pamamaril.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended