Ayon kay Fr. James Reuter, ang patuloy na pagbaba sa kondisyon ng kalusugan ni Sin ay pangunahing dahilan kung bakit nito binitiwan ang kanyang puwesto bilang Arsobispo ng Maynila.
Matatandaan na noong Abril ay dumanas si Sin ng matinding kombulsiyon na naging sanhi ng kanyang pag-collapsed habang nagsasagawa ng misa sa Villa San Miguel.
Ito na rin ang dahilan ng pagdanas ng sakit na chronic liver ni Sin na naging dahilan upang sumailalim ito sa dialysis araw-araw.
Dumanas din ang arsobispo ng batikos tulad ng umanoy pakikialam nito sa pamahalaan samantalang malaki din ang kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga pari.
Kabilang na dito ang kontrobersiya ni dating Antipolo Bishop Crisostomo Yalung na nagkaroon ng tatlong anak at ang isyu kay Bishop Teodoro Bacani na inakusahan ng sexual abuse ng kanyang sekretarya.
Noong buwan ng Hulyo, hinimok naman ni Sin ang publiko na magsagawa ng kanilang vigil sa EDSA shrine upang pigilan ang mga taga-suporta ng mga mutineers na sakupin ang lugar. (Ulat ni Boyet Aravilla)