^

Metro

Cardinal Sin nag-resign na

-
Tuluyan nang nagbitiw sa kanyang tungkulin si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin matapos na ito ay magdiwang ng kanyang ika-75 kaarawan kamakalawa.

Ayon kay Fr. James Reuter, ang patuloy na pagbaba sa kondisyon ng kalusugan ni Sin ay pangunahing dahilan kung bakit nito binitiwan ang kanyang puwesto bilang Arsobispo ng Maynila.

Matatandaan na noong Abril ay dumanas si Sin ng matinding kombulsiyon na naging sanhi ng kanyang pag-collapsed habang nagsasagawa ng misa sa Villa San Miguel.

Ito na rin ang dahilan ng pagdanas ng sakit na chronic liver ni Sin na naging dahilan upang sumailalim ito sa dialysis araw-araw.

Dumanas din ang arsobispo ng batikos tulad ng umano’y pakikialam nito sa pamahalaan samantalang malaki din ang kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga pari.

Kabilang na dito ang kontrobersiya ni dating Antipolo Bishop Crisostomo Yalung na nagkaroon ng tatlong anak at ang isyu kay Bishop Teodoro Bacani na inakusahan ng sexual abuse ng kanyang sekretarya.

Noong buwan ng Hulyo, hinimok naman ni Sin ang publiko na magsagawa ng kanilang vigil sa EDSA shrine upang pigilan ang mga taga-suporta ng mga mutineers na sakupin ang lugar. (Ulat ni Boyet Aravilla)

ABRIL

ANTIPOLO BISHOP CRISOSTOMO YALUNG

ARSOBISPO

AYON

BISHOP TEODORO BACANI

BOYET ARAVILLA

DUMANAS

JAMES REUTER

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

VILLA SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with