Namatay noon din ang biktimang si Richard Hernando, security guard ng Mission Hospital.
Boluntaryo namang sumuko ang suspect na si Claro Carba, 52, at nakatira sa #24 Paris St., Cerpis Village, Cainta, Rizal.
Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:55 ng umaga sa Mission Hospital, nasa Ortigas Avenue Ext., Brgy. Rosario, ng naturang lungsod.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang suspect at biktima tungkol sa pera habang naka-duty ang mga ito.
Napag-alaman na sa gitna ng pagtatalo ay biglang binunot ng suspect ang kanyang baril at agad na pinaputukan ang biktima.
Matapos naman ang pangyayari ay kusang-loob na sumuko ang suspect na nakapiit ngayon sa Pasig police detention at inihahanda ang kasong homicide laban sa kanya. (Ulat ni Edwin Balasa)