Sekyu binoga ng kapwa sekyu, dedo
August 28, 2003 | 12:00am
Tatlong tama ng bala ng 38-caliber ang tumapos sa buhay ng isang 28-anyos na security guard makaraang pagbabarilin ito ng kanyang kasamahan sa trabaho matapos magtalo dahil sa pera, kahapon ng umaga sa lungsod ng Pasig.
Namatay noon din ang biktimang si Richard Hernando, security guard ng Mission Hospital.
Boluntaryo namang sumuko ang suspect na si Claro Carba, 52, at nakatira sa #24 Paris St., Cerpis Village, Cainta, Rizal.
Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:55 ng umaga sa Mission Hospital, nasa Ortigas Avenue Ext., Brgy. Rosario, ng naturang lungsod.
Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang suspect at biktima tungkol sa pera habang naka-duty ang mga ito.
Napag-alaman na sa gitna ng pagtatalo ay biglang binunot ng suspect ang kanyang baril at agad na pinaputukan ang biktima.
Matapos naman ang pangyayari ay kusang-loob na sumuko ang suspect na nakapiit ngayon sa Pasig police detention at inihahanda ang kasong homicide laban sa kanya. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended