Bigong holdap: 1 patay, 3 sugatan
August 28, 2003 | 12:00am
Pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang grupo ng mga holdaper ang sasakyan ng apat katao na ikinasawi ng isa sa mga ito, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taguig.
Patay na nang idating sa Phil. Army Hospital sa Fort Bonifacio ang isa sa biktima na nakilalang si Maribeth Bernaldez, na nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, nasa malubha ring kalagayan ang tatlo pang kasamahan nito na nakilalang sina Ravi Ashok Uttamchandani; Pawan Mahtani, at Pedro de Venecia, 45.
Agad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect lulan ng isang kulay puting van na walang plaka subalit hindi nila natangay ang target na pera na dala-dala ng mga biktima.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig Police, naganap ang insidente dakong alas-9:20 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng 2nd Avenue, Padre Burgos Circle, Global City sa Taguig.
Nabatid na ang mga biktima ay sakay ng isang kulay asul na Toyota Altis kung saan galing sila sa kanilang opisina sa Makati at papauwi na sa Cavite dala ang malaking halaga ng pera.
Bigla na lamang silang hinarang ng sasakyan ng mga suspect at agad na pinaulanan ng putok ng baril ang sasakyan ng mga biktima na naging dahilan ng kamatayan ni Bernaldez.
Gayunman, nagkaroon ng komosyon dahil sa maraming dumadaang sasakyan kung kaya nataranta ang mga suspect at hindi natangay ang perang dala ng mga biktima.
Patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended