^

Metro

Mag-ina inatado ng 'akyat-bahay'

-
Nasa malubhang kalagayan ang mag-iina na binubuo ng apat na katao makaraang pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng ‘akyat-bahay gang’ na nanloob sa kanila kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Makati Medical Center ang mag-iinang nakilalang sina Evelyn Saludes, 50; mga anak na sina Joseph Vincent, 18; Jovie Marco, 17, at John Patrick, 15, pawang nakatira sa #5953-C Fermina St., Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Samantala, bugbog-sarado naman sa mga humabol na kapitbahay ang isa sa mga suspect na nakilalang si Joefrey Abanico, 15. Nakatakas naman ang mga kasamahan nito na sina Jemar de Guzman at isang alyas Frankie.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-iina.

Napag-alamang puwersahang pumasok sa bahay ang mga suspect para magnakaw, subalit sa hindi inaasahan ay nagising ang isa sa ka-pamilya ng mga biktima na si Renato Saludes at sinita niya ang mga suspect.

Dahil rin sa pagkabigla matapos silang mabuko ay pinagsasaksak ng mga suspect ang mag-iina.

Tanging napigil sa pagtakas ay si Abanico. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

C FERMINA ST.

EVELYN SALUDES

JOEFREY ABANICO

JOHN PATRICK

JOSEPH VINCENT

JOVIE MARCO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with