Isa pang 'chop-chop' natagpuan sa QC
August 27, 2003 | 12:00am
Isa na namang putol na katawan ng lalaki na hinihinalang itinumba ng vigilante group ang natagpuan kahapon ng umaga sa Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang putol na katawan ng lalaki sa Oxford St., Barangay Rodriguez, Cubao, Quezon City.
Ayon sa ilang residente, nakita nila ang isang dilaw na plastic na naglalaman ng torso at nakahambalang sa sidewalk sa nasabing lugar.
Nang kanilang usisain ay nagulat na lamang ang mga residente na putol na katawan ito ng isang tao na tadtad ng tattoo sa katawan.
Inilagak sa PNP Crime Laboratory ang nasabing bangkay habang pinaghahanap pa rin ang ibang bahagi ng katawan nito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended