^

Metro

Security sa Citibank sinisi sa holdap

-
Sa kabila ng mahigpit na seguridad na pinatutupad sa loob ng Citibank, isinisi ng pulisya sa security personnel ng naturang banko ang umano’y kawalan ng aksyon at kapabayaan nito kung bakit nakalusot at nakatakas ang grupo ng mga holdaper.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, nakasaad dito na may kapabayaan umano ang mga guwardiya kaya maluwag na nakapasok at nakatakas ang grupo ng mga holdaper.

Ayon kay Senior Supt. Jovito Gutierrez, chief ng Makati City Police na ang monitoring camera ng Citibank ay isa sa magagamit na matibay na ebidensiya para sa agarang ikadarakip ng mga suspect na binubuo ng mula sa 15 hanggang 20 katao.

Tatlo na sa suspect ang kinilala ng pulisya.

Narekober ang isang kulay pulang Toyota Revo na may plakang XAV-688 at kulay puting L-300 na may plakang TSG-479 kabilang sa mga sasakyang ginamit ng mga suspect.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa nagdedeklara ang pamunuan ng Citibank kung magkano ang halagang natangay sa kanila.

Samantala, mahigpit na itinagubilin ni Pangulong Macapagal Arroyo sa mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas ang puspusang pagpapalakas sa kampanya laban sa sindikatong nanghoholdap sa banko at kidnap-for-ransom gang.

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo kasunod ng insidente ng pagnanakaw sa Citibank Center sa Makati Central Business District. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Lilia Tolentino)

CITIBANK

CITIBANK CENTER

JOVITO GUTIERREZ

LILIA TOLENTINO

LORDETH BONILLA

MAKATI CENTRAL BUSINESS DISTRICT

MAKATI CITY POLICE

PANGULONG MACAPAGAL ARROYO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with