Pulis, 4 pa tiklo sa shabu
August 26, 2003 | 12:00am
Isang pulis na miyembro ng Special Action Force at apat pang kilabot na drug pusher ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation kung saan umaabot sa 140 gramo ng shabu ang nasamsam sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina PO1 Jayrihi Lucena, 25, nakatalaga sa PNP Special Action Force 2nd Battalion, sa Bulacan, Bulacan; Virgilio Cruz, 45; Reynaldo Angeles, 47; Rene Erespe, 28, pawang mga residente ng Hermosa St., sa lungsod ng Maynila.
Nadakip naman sa isa pang hiwalay na operasyon ang isa pang pusher na si Abulla Tanguti, alyas Danny Boy at residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila.
Ayon kay Supt. Marcelino Pedroso, hepe ng District Anti-Illegal Drug Special Operations Group, nasakote ang grupo nina Lucena nitong Agosto 22 dakong alas-4 ng hapon sa isinagawang raid.
Armado ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Enrico Lanzanas ng Manila Regional Trial Court sinalakay ng mga operatiba ni Pedroso ang kuta ng kilabot na drug pusher na si Allan Tayag upang maaresto ito.
Hindi naman inabutan ng mga operatiba si Tayag ngunit nasakote ang apat nitong tauhan kabilang na si Lucena kung saan nakuha sa kanilang hideout ang may 40 gramo ng shabu.
Nadakip naman kamakailan si Tanguti habang naglalako ito ng shabu sa may Katibag Road, Port Area, Manila kung saan isang impormante ang nag-tip sa pulisya.
Agad namang nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya kung saan nadakip si Tanguti sa aktong tinatanggap ang bayad sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakuha sa kanyang posesyon ang may 100 gramo ng shabu na hindi naman nito itinanggi na kanyang ibinebenta.
Pawang nakaditene ngayon ang mga suspect sa Manila Integrated Jail at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Anti Drug Law of 2002. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended