^

Metro

Kasong libelo iniharap ng INC vs Inquirer

-
Nagsampa kahapon ng kasong libelo sa Quezon City Prosecutors Office ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) laban sa pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI).

Ang mga kinasuhan ay ang writer na si Fe Zamora, ang publisher na si Isagani Yambot at Letty Jimenez Magsanoc, Editor-in-Chief ng PDI.

Sa tatlong-pahinang complaint sheet, inihayag ni Bienvenido Santiago, complainant-representative ng INC, lubhang nakakasira sa kredibilidad ng religious organization ang mga paratang ng PDI sa kanilang panulat na itinatago nila si Senador Gringo Honasan.

Pinabulaanan din ng INC na sila ay may isang ‘pentagon room’ sa Central Office sa Commonwealth, Quezon City na sinasabi ng PDI na dito itinago si Honasan.

Diniin ng INC na kahit kailan ay hindi sila nagkanlong o protector ni Honasan na pinaghahanap ng pamahalaan matapos mapabalitang utak sa naganap na Makati mutiny.

Bukod dito, ang compound anya ng INC ay may layuning magserbisyo at maglingkod sa Diyos at ang lahat ng aktibidad dito ay sagrado.

Ang INC office ay binaha ng mga sulat at tawag buhat sa iba’t ibang miyembro nito sa loob at labas ng bansa na nagsasabing dapat na magharap ng reklamo laban sa mapanirang report ng naturang pahayagan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BIENVENIDO SANTIAGO

CENTRAL OFFICE

FE ZAMORA

HONASAN

IGLESIA NI CRISTO

ISAGANI YAMBOT

LETTY JIMENEZ MAGSANOC

PHILIPPINE DAILY INQUIRER

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with