Agawan sa Japayuki pulis kinasuhan ng cameraman
August 25, 2003 | 12:00am
Inireklamo ng isang dating cameraman ng GMA-7 ang isang pulis na nakatalaga sa Central Police District (CPD) ng kasong panunutok ng baril makaraang makipag-agawan sa isang Japayuki sa loob ng isang hotel kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.
Kinasuhan ng grave threats ni Donato Villanueva ng 1384 Gana Compound, Balintawak, Q.C. ang pulis na si PO2 Eric Rano ng CPD Baler Police Community Precint.
Sa salaysay ni Villanueva sa WPD-GAS, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa 5th floor ng Las Palmas Hotel sa Malate, Manila.
Ayon kay Villanueva, tinawagan siya ng dati niyang kasintahan na si Ellen Karukawan, na isang Japayuki upang magpahatid sa airport papuntang Japan kasama ang asa- wa nitong Hapon. Nabatid na naka-check in ito sa naturang hotel sa Room 508.
Habang nasa elevator, nakasabay niya ang pulis na si Rano na nagsalita kung bakit masama ang kanyang (Villanueva) tingin.
Kapwa sila nagulat nang sabay silang lumabas ng elevator at iisa ang kuwarto na pupuntahan.
Dito nagsimula ang mainitang pagtatalo nina Villanueva at Rano hanggang sa mauwi sa panunutok ng baril ng huli sa una.
Ipinaliwanag ni Villanueva na hindi naman siya makikipagbalikan kay Karukawan dahil tatlong buwan na silang hiwalay nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest